What's on TV

Therese Malvar at Miggs Cuaderno, may payo sa mga kabataan na gustong mag-showbiz

By Maine Aquino
Published November 23, 2020 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Senate Blue Ribbon committee resumes its hearing on anomalous flood control projects (Jan. 19, 2026) | GMA Integrated News
Bureau of Immigration arrests Estonian vlogger for harassing locals in PH
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

Therese Malvar and Miggs Cuaderno


Ang award-winning Kapuso stars na sina Therese Malvar at Miggs Cuaderno ay nagkuwento ng kanilang buhay showbiz at mga aral na natutunan sa 'Quiz Beh!' Panoorin DITO:

Isang masayang tapatan ang naganap sa Quiz Beh! nitong November 20 dahil nagtapat ang dalawang award-winning stars na sina Therese Malvar at Miggs Cuaderno.

Sa episode na ito ay nakatambal nila ang kanilang mga ina na sina Cherry Malvar at Judy Chua.

Bago pa man nagsimula ang kanilang live online tapatan, nagbahagi muna sina Therese at Miggs kay Betong Sumaya ng mga lessons sa showbiz at payo sa mga kabataang nais sumubok rin sa entertainment industry.

Quiz Beh
Photo source: Quiz Beh

Ayon kay Therese, natutunan niya sa ilang mga nakatrabaho niya na lagi dapat magtiwala sa sarili.

"Natutunan ko to always have a strong foundation of yourself.

"Kasi in an industry where people will bash you, people will try to put you down, as long as you believe in yourself, as long as alam mo na mahal mo ang ginagawa mo, push lang. Believe in yourself, believe that you have a mark in this industry."

Para kay Miggs naman, dapat maging open sa lahat ng klase ng opportunities kung nais na mag-artista.

"Take every chance, kahit maliit man 'yan. 'Yung opportunity na 'yun kasi minsan lang mangyari so gawin na 'yung best ninyo."

Idinagdag rin ni Miggs na importante rin ang edukasyon.

"Siyempre mag-aral tayo mabuti dahil kakailanganin rin 'yan sa pag-arte.

"Hindi lang 'yan para sa bahay, hanggang sa pagtanda niyo 'yan. Kung gusto ninyong mag-artista, kailangan niyo pa rin mag-aral mabuti."

Panoorin ang kabuuang kuwentuhan na ito sa Quiz Beh! sa video sa itaas. Maaari n'yo ring mapanood ito DITO.

Related content:

Elijah Alejo at Vince Crisostomo, masaya sa suporta ng kanilang fans

XOXO, ibinahagi ang buhay na nararanasan sa gitna ng pandemic