GMA Logo Aiai Delas Alas
What's on TV

Aiai Delas Alas, inaral ang pagiging bata para sa 'Raising Mamay'

By Jansen Ramos
Published April 12, 2022 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas


Mapapanood ang 'Raising Mamay' simula April 25 sa GMA.

Inamin ni Aiai Delas Alas na na-challenge siya sa kanyang role sa upcoming GMA drama na Raising Mamay.

Dito ay gagampanan niya ang character ni Letty na magkakaroon ng age regression sanhi ng traumatic injury matapos aksidenteng mabaril at tumama ang ulo sa bato.

Dahil dito, ang pag-iisip ni Letty ay babalik sa pagkabata.

Bahagi ni Aiai sa virtual media conference ng Raising Mamay noong Linggo, April 10, "First time kong maging isang bata na nanay and challenging siya pero nakakatuwa dahil first time ko, na-realize ko na mahirap pala rin maging bata kasi kailangan 'yung innocence ng bata, 'yung kung paano ka umiyak, kung paano ka maglaro, medyo playful truth, ika nga."

Ayon kay Aiai, nagkaroon siya ng immersion at may nakausap na isang indibidwal na may regressive behavioral disorder para mapag-aralan ang mga kilos at pananalita nito para sa kanyang role.

Bagamat aminadong nahirapan, nakatulong daw ang kanilang magandang samahan sa Raising Mamay para ma-deliver ang kanyang complex role.

"Mas magaan kasi for me kasi 'yung mga kasamahan ko dito ay magagaling lahat so madali gawin ang mga eksena."

Bukod sa first time aarte bilang bata, thankful si Aiai dahil nabigyan siya ng pagkakataong bumida sa isang panghapon na serye sa GMA, na dahilan kung bakit siya umuwi ng Pilipinas mula Amerika para gawin ang project.

"Maganda 'yung storya saka mahal ko 'yung Kapuso station kaya gagawa talaga ako ng paraan para makauwi para magawa ko 'yung mga work na binibigay nila sa 'kin kasi na-a-appreciate ko talaga na hanggang ngayon kahit nasa malayong lugar ako, binigyan nila 'ko ng pagkakataong magkaroon ng work and napaka-blessed ko."

Hindi rin daw naka-hindi si Aiai sa offer dahil sa interesting na kuwento ng Raising Mamay kung saan gaganap siyang ina na magiging anak.

"Talagang susubaybayan nila 'to kasi maraming pangyayari at saka parang kakaiba naman 'to kasi ang nagsasakripisyo dito ay iyong anak para sa ina."

Si Shayne Sava ang lalabas na anak ni Aiai sa Raising Mamay. Gagampanan ni Shayne ang role na Abigail, na magiging guardian ni Letty. Aakalain ni Letty na ina nya si Abigail dahil sa kanyang brain regression.

Ipapalabas ang Raising Mamay simula April 25 sa GMA.

Bago pa man tayo muling maantig kay Aiai sa telebisyon, tingnan sa gallery na ito ang career highlights ng Comedy Queen bilang Kapuso: