GMA Logo  erin ocampo and aiai delas alas in raising mamay
What's on TV

Raising Mamay: Letty, hindi nagpatalo sa kabit ng asawa

Published April 26, 2022 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 25, 2025
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

 erin ocampo and aiai delas alas in raising mamay


Sa second episode ng 'Raising Mamay,' hinulog ni Letty sa pool ang kabit ng asawa niyang si Bong.

Wala nang excuse si Letty (Aiai Delas Alas) para hindi komprontahin ang mga nanloloko sa kanya sa bagong GMA afternoon drama na Raising Mamay.

Sa ikalawang episode ng Raising Mamay na ipinalabas ngayong April 26, ipinaglaban ni Letty ang karapatan niya bilang legal wife ni Bong (Antonio Aquitania).

Nakakaramdam siyang dati pa may babae ang asawa pero pinili niyang tumahimik alang-alang sa kanilang anak na si Abigail (Shayne Sava).

Pero this time, hindi na siya nakapagtimpi matapos siya mismo ang nakahuli sa pangangaliwa ng asawa.

Sa tulong ng isang tracker app na in-install ni Abigail sa phone ng kanyang "Mamay," natunton ni Letty si Bong at ang kerida (Erin Ocampo) nito sa isang resort.

Naglakas-loob pang tawagin ng kabit ni Bong si Letty na "photobomber" dahil nakaharang ito sa pagse-selfie niya.

Piniling huwag mag-iskandalo ni Letty hanggang sa tinawag ng kerida na tunay na anak ni Bong si Abigail at ampon lamang ng una.

Hindi naniwala si Letty sa mga sinabi nito kaya, dala ng galit, inihulog niya ito sa pool.

Simula pa lang 'yan ang kuwento ng Raising Mamay kaya patuloy na subaybayan ang serye weekdays at 3:25 p.m. sa GMA.

Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng Raising Mamay at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Narito ang kumpletong listahan ng cast ng Raising Mamay at ng kanilang mga character sa bagong kinagigiliwang drama sa hapon: