GMA Logo Aiai Delas Alas,
What's on TV

Aiai Delas Alas, thankful sa fans ng 'Raising Mamay,' may show agad sa U.S. kanyang pagbalik

By Jansen Ramos
Published May 5, 2022 1:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Aiai Delas Alas,


Makakasama ng 'Raising Mamay' lead star na si Aiai Delas Alas si Kapuso comedian Betong Sumaya at 'The Clash' Season 1 winner Golden Cañedo sa show niya sa Florida, USA sa May 14.

Lubos ang pasasalamat ni Comedy Queen Aiai Delas Alas sa mainit na pagtanggap ng fans sa bago niyang proyektong Raising Mamay.

Challenging daw ang role niya sa GMA Afternoon Prime series kaya sulit ang kanyang paghahanda para rito dahil sa suportang nakukuha ng programa na nag-premiere noong April 25.

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)

"May regression ako as bata so siyempre aaralin mo. 'Di mo naman pwedeng iarte mo lang 'yun nang gano'n na wala kang pinagkukunan o pinaghuhugutan kung ano ba 'yung character ng isang bata," bahagi ni Aai sa panayam ni Lhar Santiago para sa Chika Minute noong Miyerkules, May 4.

Excited na si Aiai sa pag-uwi niya sa Amerika sa Linggo, May 8, dahil gusto raw niyang makita ang mga reaksyon ng mga Kapuso abroad sa Raising Mamay na pinapalabas din sa GMA Pinoy TV.

"Excited akong tawagin nila 'kong Mamay. 'Pag 'di nila 'ko tinawag na Aiai at tinawag nila kong Mamay, 'yun na ang hudyat."

Pag-uwi ni Aiai sa California, matapos ang ilang araw ay lilipad siya pa-Gainesville, Florida para sa show niya sa May 14 na may titulong Headliners for the Frontliners bilang pagbibiay-pugay sa Pinoy nurses doon.

Makakasama ni Aiai sa concert ang mag-amang sina Martin Nievera at Robin Nievera, at Carol Banawa na isa na ring nurse sa Amerika.

Tampok din dito ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya at ang The Clash Season 1 winner na si Golden Cañedo.

Masaya si Aiai na makasama ulit sa stage si Golden na produkto ng GMA musical competition kung saan isa sa mga hurado ang Comedy Concert Queen.

A post shared by GoldenMartinProductions (@goldenmartinproductions)

Pagpuri ni Aiai kay Golden, "Magaling naman talaga 'yang batang 'yan. Noon pa naman magaling na sya and destined niya talaga na maging champion."

Panoorin ang buong report sa video na ito:


Legal US resident si Aiai at umuwi lamang ng Pilipinas para gawin ang Raising Mamay na pinagbibidahan nila ni Shayne Sava.

Silipin dito ang buhay-abroad ng batikang aktres kasama ang mister na si Gerald Sibayan: