GMA Logo shayne sava and aiai delas alas in raising mamay
What's on TV

Raising Mamay: Letty, naging isip-bata dahil sa brain injury

Published May 12, 2022 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

8 Filipinos who brought glory to the Philippines in 2025
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

shayne sava and aiai delas alas in raising mamay


Maliit ang tiyansang bumalik pa sa normal ang pag-iisip ni Letty kaya kailangang ituring ni Abigail ang kanyang ina na isang bata at alagaan ito ayon sa kanyang mga pangangailangan.

Nagkaroon na ng kasagutan tungkol sa kalagayan ni Letty (Aiai Delas Alas) sa GMA teledramang Raising Mamay.

Sa episode ng afternoon series noong Miyerkules, May 11, dinala nina Abigail (Shayne Sava) at Wenda (Tart Carlos) si Lety sa isang espesyalista dahil sa kakaibang ikinikilos nito matapos ang aksidenteng pamamaril dito sa kanyang ulo.

Doon ay inobserbahan si Letty na wala sa kanyang normal na estado. Base sa natuklasan ng doktor, may regressive behavioral disorder si Letty sanhi ng injury at concussion sa kanyang ulo matapos itong tumama sa bato.

Malungkot na ibinalita ng psychiatrist na hindi na functional 40-year-old si Letty kaya ang pag-iisip niya ay maihahalintulad sa isang pito hanggang walong taong gulang na bata.

Maliit ang tiyansang bumalik pa sa normal ang pag-iisip ni Letty kaya kailangang ituring ni Abigail ang kanyang ina na isang bata at alagaan ito ayon sa kanyang mga pangangailangan.

Patuloy na subaybayan ang mga nakakaantig na eksena sa Raising Mamay mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon sa GMA.

Mapapanood din ang full episode ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Pinapaiyak man ng bidang si Aiai Delas Alas ang mga manonood, kabaliktaran naman ito ng mga mangyayari sa likod ng camera.

Tingnan ang masayang set ng Raising Mamay dito: