GMA Logo Ella Cristofani
Image Source: ella_cristofani (Instagram)
What's on TV

Ella Cristofani keeps her cool despite negative comments on her 'Raising Mamay' character

By Jansen Ramos
Published June 30, 2022 8:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS: Magnitude 6.6 quake near Taiwan no threat to PH
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Ella Cristofani


Inihanda na raw ni 'Raising Mamay' actress Ella Cristofani ang kanyang sarili sa mga pamba-bash na matatanggap niya dahil sa kanyang role sa GMA Afternoon Prime series kung saan isa siya sa mga kontrabida.

Isa sa mga kinaiinisan ngayon sa GMA Afternoon Prime series na Raising Mamay ang 21-year-old actress na si Ella Cristofani.

Ginagampanan ni Ella sa soap opera ang bully na si Kelly na kontra sa pagtira ni Abigail (Shayne Sava) at ng adoptive mom nitong may age regression na si Letty (Aiai Delas Alas) sa mansyon ni Sylvia (Valerie Concepcion) na pansamantalang kumupkop sa kanya. Pinagseselosan ni Kelly si Abigail lalo na noong nalaman niyang tunay na anak ito ni Sylvia.

Ayon sa exclusive interview ng GMANetwork.com ngayong June 30 sa Filipino-Italian actress, hindi na raw siya naaapektuhan sa mga namba-bash sa kanyang character sa Raising Mamay.

Bahagi ni Ella,"Sa totoo lang, bago ko kinuha yung role, matagal ko nang sinabi sa sarili ko na, 'O alam mo yung role mo, garapal ka dito. So you have to get ready talaga.'"

Sa katunayan, masaya pa nga si Ella sa negative comments sa kanya dahil pruweba ito na effective ang kanyang acting bilang kontrabida.

Patuloy niya, "Actually, natutuwa naman ako na maraming namba-bash sa 'kin.

"In a way kasi masasabi ko na effective ako and nasanay ako na the more na may namba-bash, the more na natutuwa ako kasi, 'Ah okay I did my part.'

"'Tapos ang pinaka-funny do'n kasi gumagawa sila ng conspiracy theory na ang tunay daw na nanay ni Kelly si Malou. Ang ending kaya ganon 'yung ugali niya kasi inutusan daw ni Malou. Super funny talaga."

Paliwanag pa ni Ella, "Lahat naman ng sinasabi, I'll take it with a grain of salt, gano'n ko talaga siya tina-take which is gusto ko rin kasi, for me naman, helpful 'yung mga constructive criticisms."

Para kay Ella, na-enjoy niyang maging kontrabida sa telebisyon kahit na first time niya itong ginawa.

"Na-enjoy ko and especially dahil first ko 'to. If I'm being honest, sobrang nahirapan din ako kasi first time ko sa regular role and kontrabida pa which is mabigat, pero if given a chance again especially marami akong natutunan sa Raising Mamay, I'll do it again kasi sobrang na-enjoy ko naman s'ya. Thank you din sa fellow actors ko dahil sa mga tips na binigay nila sa akin of course, magagamit ko ulit 'yon kapag bibigyan ulit ako ng chance."

Mortal mang magkaaway sina Ella at Shayne sa Raising Mamay pero sobrang layo raw ng kanilang onscreen roles sa personal nilang buhay.

Ani Ella, "Actually, we are very close, sobrang baliktad. Everytime na may ginagawa kaming rambulan, bardagulan sa set, after no'n nagyayakapan talaga kami. So super fun naman kami off-cam."

Si Ella ay produkto ng ikapitong season ng GMA reality artista search na StarStruck kung saan niya ka-batch si Shayne.

Kilala pa ang bagong Kapuso kontabida na si Ella Cristofani sa gallery na ito: