
Flattered ang Kapuso actress na si Shayne Sava sa mga magagandang komentong natatanggap niya dahil sa mahusay niyang pagganap sa GMA Afternoon Prime series na Raising Mamay.
Ayon kay Shayne, hindi niya inaasahan ang paghirang sa kanya ng mga manonood bilang susunod na best actress.
"Hindi pa rin ako mapaniwala na hanggang ngayon sobra nilang na-a-appreciate 'yung pagod and 'yung performance ko sa Raising Mamay," bahagi ni Shayne sa exclusive chat ng GMANetwork.com sa aktres via Zoom noong Huwebes, July 7.
"Kaya sobra po akong nagpapasalamat sa lahat po ng tao na sumusuporta po sa 'kin and, of course, mismo po sa Raising Mamay kasi grabe sobra-sobra 'yung support nila and 'yung love nila for me and for the whole cast sa Raising Mamay."
Lagi raw laman ng TikTok ang ilang clips ng Raising Mamay na patunay na marami ang nanonood nito.
"As in, lagi kong nakikita na may laging naka-tag sa 'kin sa TikTok videos 'tapos lagi akong nagko-comment sa mga 'yun to show na na-a-appreicate ko 'yung mga efforts nila for us po sa Rasing Mamay."
Ayon kay Shayne, maging siya ay nadadala sa mga eksena nila sa Kapuso drama.
Kaya kahit hindi naman required sa kanyang umiyak, hindi raw niya maiwasang hindi maluha lalo na sa mga eksena nila ni Valerie Concepcion na gumaganap bilang biological mother niya sa serye.
Pagbabalik-tanaw ni Shayne, "Mostly po kasi 'yung mga scenes namin ni Mamay (Aiai Delas Alas) masyado talagang teary-eyed, masakit talaga.”
"Dito po sa dalawang scene ko with Ms. Sylvia (Valerie Concepcion) is lagi kaming nagtatalo, 'yung lagi kaming nag-aaway pero 'di po required do'n umiyak,” dagdag pa niya. "Ewan ko that time, sobrang bigat sa puso, sobrang sakit 'tapos iyak ako nang iyak during the scene and after the scene."
Patuloy na subaybayan si Shayne sa huling tatlong linggo ng Raising Mamay mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 ng hapon sa GMA.
Mapapanood din ang full episodes ng serye sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Samantala, kilalanin pa ang promising dramatic actress sa gallery na ito: