GMA Logo raising mamay characters
What's on TV

'Raising Mamay', humahataw sa ratings!

By Jansen Ramos
Published July 19, 2022 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

For those entering the New Year tired – but still hopeful
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

raising mamay characters


Huwag palampasin ang last two weeks ng 'Raising Mamay' na mapapanood pagkatapos ng 'Apoy Sa Langit' sa GMA Afternoon Prime.

Patuloy ang pamamayagpag sa TV ratings ng pinag-uusapang GMA afternoon drama na Raising Mamay.

Nakakuha ang July 18 episode ng seryeng pinagbibidahan nina Aiai Delas Alas at Shayne Sava ng rating na 7.7 percent base sa preliminary/overnight data ng Nationwide Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Hindi hamak na mas malaki ito kumpara sa combined ratings ng mga palabas sa mga kalabang istasyon na nakakuha lamang ng 1.1 percent at 1.0 percent.

Sa episode noong Lunes, isinugod sa ospital si Bong (Antonio Aquitania) nang mabaril ni Randy (Gary Estrada) matapos nitong malaman na ang una ang kabit ni Sylvia (Valerie Concepcion).

Dahil ang may kapansanang misis ni Bong na si Letty (Aiai Delas Alas) ang kasama niya noong siya ay nabaril, ininteroga ng pulis ang huli para malaman kung sino ang salarin sa pag-aagaw buhay ng kanyang mister.

Dalawang linggo na lang mapapanood ang Raising Mamay kaya huwag itong palampasin weekdays at 3:25 p.m. sa GMA.

Maaari ring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.

SA NALALAPIT NA PAGTATAPOS NG RAISING MAMAY, BALIKAN ANG MASASAYANG MOMENTS NG CAST NG GMA AFTERNOON PRIME SERIES SA LIKOD NG CAMERA: