GMA Logo Sofia Pablo and Allen Ansay
What's on TV

Sofia Pablo at Allen Ansay, inaming na-challenge sa kanilang roles sa 'Raya Sirena'

By Aimee Anoc
Published April 11, 2022 2:13 PM PHT
Updated April 12, 2022 8:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Sofia Pablo and Allen Ansay


Malapit nang mapanood sina Sofia Pablo at Allen Ansay bilang sina Raya at Gavin sa pinakabagong fantaseries ng GMA na 'Raya Sirena.'

Excited na ang Sparkle Sweethearts na sina Sofia Pablo at Allen Ansay na mapanood ng lahat ang biggest sea fantaseries ng GMA na muli nilang pagsasamahan, ang Raya Sirena.

Sa isang press interview, kapwa inamin nina Sofia at Allen na na-challenge sila sa kanilang roles bilang sina Raya at Gavin.

Ayon kay Sofia, mas lumalim at nag-mature ang role niya ngayong isa ng miniseries ang Raya Sirena.

"Pinaka-challenging sa role ko kung paano ko gagawin na si Raya is teenager. Alam n'yo po 'yung makikita n'yo sa kanya na gusto niya pong hanapin ang tunay na pagkatao niya, mas nag-deep in, mas nag-mature siya," sabi ni Sofia.

Dagdag niya, "Pero kailangan na naroon pa rin po ang Raya na masayahin, makulit, mapagmahal, 'yung Raya na nakilala natin noong unang episode pero this time mas deeper."

Para naman kay Allen, kinakailangan niyang maipakita na mayroon ding pinanghuhugutan sa buhay si Gavin.

"Si Gavin, ang pinaka-challenging po katulad nga po ng sabi ni Direk noong nasa taping po ako, na kailangan mas magkaroon ng lalim si Gavin. Kasi sa first episode ng Raya Sirena, si Gavin parang jolly at makulit lang siya. Pero rito kasi mas makikila n'yo po siya, mas magkakaroon siya ng pagseselosan.

"Makikita n'yo rito kung gaano kamahal ni Gavin si Raya, si Nanay Matet. Kailangan kong maipakita sa tao na si Gavin, hindi lang makulit kundi may pinagdadaanan din siya sa buhay," kuwento ni Allen.

Sa interview, ibinahagi rin nina Elias Point at Saviour Ramos kung saan parte sila ng kanilang roles na-challenge.

"There are parts po na incorporate po na ang background ko po is Bisaya. The challenge for me, it is to use three languages na maiintindihan po ng audience. I'll be using English, Bisaya, and Tagalog all throughout the series," pagbabahagi ni Elias sa kanyang karakter bilang si Otep.

Challenging naman para kay Saviour ang karakter niya bilang si Ape dahil isa siya sa magpapagulo sa magandang relasyon nina Raya at Gavin.

"For me is kung paano ko mai-inspire ang audience with my role kasi po para akong manggugulo sa relationship nilang dalawa (Sofia at Allen). More on bata, teenagers po ang audience namin," sabi ni Saviour.

Makakasama rin nina Sofia, Allen, Elias, at Saviour sa mini-series na ito sina Juan Carlos Galano, Reins Mika, Ayeesha Cervantes, Jana Francine Taladro, Shecko Apostol, Gerald Pesigan, Shirley Fuentes, at Mosang.

Abangan ang world premiere ng Raya Sirena ngayong April 24 sa GMA.

Samantala, tingnan ang sweetest photos nina Sofia Pablo at Allen Ansay sa gallery na ito: