What's on TV

Angel Guardian at Yasser Marta, tampok sa time travel romance sa 'Regal Studio Presents: Just in Time'

By Marah Ruiz
Published November 22, 2024 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral's last hours before fatal fall captured by hotel CCTV footage
2 hurt as truck falls into ravine in Zamboanga City
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Angel Guardian at Yasser Marta


Magtatambal sina Angel Guardian at Yasser Marta sa time travel romance story na 'Regal Studio Presents: Just in Time.'

Ang Kapuso stars na sina Angel Guardian at Yasser Marta ang bibida sa bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.

Bibigyang-buhay nila ang isang time travel love story sa episode na pinamagatang "Just in Time."



Si Yasser ay si Justin, isang doktor na mas pinapahalagahan pa ang kanyang awards kaysa sa kanyang mga pasyente.

Si Angel naman ay si Lumina, isa sa mga pasyente ni Justin. Ayon dito, matagal na silang magkakilala--bagay na hindi paniniwalaan ng doktor.

Magigising na lang si Justin sa nakaraan kung saan makikilala niya ang mas batang version ni Lumina.

Bakit kaya mapapadpad si Justin sa nakaraan? Ano ang matututunan niya tungkol kay Lumina habang naroon?

SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:



Huwag palampasin ang brand-new episode na "Just in Time," November 24, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.

Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.