What's on TV

Mikee Quintos, magmamana ng lechon business sa 'Regal Studio Presents: Litsunera'

By Marah Ruiz
Published October 25, 2024 6:04 PM PHT
Updated December 23, 2025 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TikTok stars Lenie Aycardo, Hajie Alejandro expecting 2nd child
4 killed after wing van crashes into gym in Davao City
UP Admissions Office cautions applicants amid surge of unofficial UPCAT guides

Article Inside Page


Showbiz News

Mikee Quintos


Gaganap si Mikee Quintos bilang tagapagmana ng isang lechon business sa 'Regal Studio Presents: Litsunera.'

Si Kapuso actress Mikee Quintos ang bibida sa isang episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents ngayong Linggo.

Pinamagatang "Litsunera," kuwento ito ng isang fashionista na hindi inaasahang magmamana ng litsunan ng kanyang mga magulang.

Gaganap si Mikee bilang Say na walang kaalam-alam tungkol sa pagpapatakbo ng lechon business.

Susubukan siyang turuan ni Mang Ruben, beteranong litsunero na matagal nang nagtatrabaho para sa kanyang mga magulang, pero mas interesado si Say na pasikatin ang litsunan sa social media.

Magagawa bang ipagpatuloy ni Say ang lechon business ng kanyang mga magulang? O dapat ba itong mapunta sa kanyang tiyahin na interesadong bilhin ang litsunan?

SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:


Huwag palampasin ang "Litsunera," December 28, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.

Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.