
Bibida si Kapuso actress Elijah Alejo sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Gaganap siya bilang ang career-oriented na si Irene sa episode na pinamagatang "My Future Me."
Isang babae ang magpapakilala kay Irene bilang future self niya mula sa taong 2080.
Papayuhan siya ng mas matandang Irene, played by Peewee O'Hara, na alagaan din ang kanyang puso at love life.
Ayon kasi dito, marami siyang regrets dahil mas pinagtutunan niya ng pansin ang kanyang career noon.
Magbabago ba ang present at future ni Irene?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "My Future Me," April 27, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.