
Sina Kapuso stars Jon Lucas at Arra San Agusting ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Maghahatid sila ng kilig sa episode na pinamagatang "Rider with the Ghoster."
Gaganap dito si Jon bilang Spencer bilang isang masipag na motorcycle rider. Si Arra naman ay si Jane, ang girlfriend niyang nang-ghost sa kanya.
Matagal bago naka-move on si Spencer kaya laking gulat niya nang ma-book siya ni Jane sa ride-hailing app na pinagtatrabahuhan niya.
Ito na ba ang second chance nina Spencer at Jane? O mas mabuti kayang iwan na sa nakaraan ang kanilang relasyon?
Huwag palampasin ang bagong episode na "Rider with the Ghoster," May 4, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.