
Bibida si beauty queen and actress Alma Concepcion at Kapuso actor Larkin Castor sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Sasabak sila sa great outdoors sa episode na pinamagatang "The Forgotten Queen."
PLEASE INSERT INSIDE IMAGE HERE
Gaganap si Alma bilang Cristy, isang former beauty queen na strikto at hindi kagandahan ang ugali kaya tila nalimutan na siya ng bansa at maging ng kanyang pamilya.
Si Larkin naman ay si Dylan, camp master sa pupuntahang eco resort ni Cristy.
Gusto ni Cristy na mag-try ng mga bagay na hindi pa niya na-e-experience. Nandiyan si Dylan para i-guide siya pero bakit parang hindi naman siya bukas sa new experiences?
Makakapag-enjoy ba si Cristy sa tulong ni Dylan?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "The Forgotten Queen," May 25, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.