
Bibida si Kapuso actress Shayne Sava sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Makakasama pa niya ang beteranong aktor na si Bodjie Pascua sa episode na pinamagatang "Lolo Clickbait."
Gaganap dito si Shayne bilang social media star na si Gabbie, na bibisita siya sa lolo niyang si Nelson (Bodjie).
Dahil may sakit at maikli na lang ang oras na nalalabi sa buhay ni Lolo Nelson, plano ni Gabbie na gawing emosyonal na vlog ang pagbisita niya rito. Kaya naman sa bawat bonding activity nila, may nakatutok na camera.
Makukuha kaya ni Gabbie ang view na gusto niya? Magkakaroon ba sila ni Lolo Nelson ng tunay na quality time?
SILIPIN ANG MGA EKSENA SA EPISODE DITO:
Huwag palampasin ang bagong episode na "Lolo Clickbait," June 8, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.