SNEAK PEEK: Sofia Pablo, magiging mermaid sa 'Raya Sirena'

Isang cute na mermaid story ang hatid ng anthology series na 'Regal Studio Presents' ngayong linggo!
Pagbibidahan ng mga young Kapuso stars na sina Sofia Pablo, Allen Ansay at Bruce Roeland ang episode na pinamagatang "Raya Sirena."
Si Sofia ang gaganap bilang Raya, typical Gen Z girl na mahilig sa social media. May pagka spoiled si Raya kaya ma-o-offend niya ang moon god na si Bulan nang magkatawang tao ito. Isusumpa siya ni Bulan na maging isang sirena.
Susubukang itago ni Raya ang kundisyon mula sa daddy niya. Makakahanap siya ng katuwang kay Gavin, role ni Allen, na anak ng caretaker sa resort na pag-aari nina Raya.
Pero kakalat din sa social media na naging sirena si Raya dahil sa boyfriend niyang si Joshua--role na gagampanan naman ni Bruce.
Mababawi pa ba ni Raya ang kanyang mga paa?
Unang napanood ang "Raya Sirena" bilang pangalawang episode ng 'Regal Studio Presents.' Due to insistent public demand, muli itong matutunghayan sa December 26, 4:35 pm sa GMA.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






