SNEAK PEEK: Gabbi Garcia, naghahanap ng pag-ibig online sa 'One Million Comments, Magjo-jowa na Ako'

Love story for the digital age ang matutunghayan sa upcoming special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Tampok sa episode na pinamagatang "One Million Comments, Magjo-jowa na Ako" ang kuwento ni Anna Marie, isang online tutor na nangangarap makarating ng Australia.
Dahil NBSB o no boyfriend since birth, tatanggapin niya ang isang dare sa social media kung saan ipa-promise niyang maghahanap na siya ng boyfriend kapag magkaroon ng one million comments ang kanyang post.
Matapos ang isang taon, magba-viral na ang post ni Anna Marie. Mahahanap na ba niya ang kanyang first jowa sa katauhan ni Prince Matt--ang IT expert na laging tumutulong sa kanya o kay Miggy--ang cutie from Australia na one millionth commenter sa kanyang viral post?
Si Gabbi Garcia ang gaganap bilang Anne Marie, habang ang kanyang real life sweetheart na si Khalil Ramos ay si Prince Matt.
Si Manolo Pedrosa naman ay si Miggy. Kasama rin sa episode si Kat Galang na gaganap bilang Nona, pinsan ni Anna Marie.
Huwag palampasin ang pangatlong bahagi ng special primetime premiere ng Regal Studio Presents na "One Million Comments, Magjo-jowa na Ako," September 25, 8:30 pm sa GMA.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






