SNEAK PEEK: Best friends, nagtaguan ng feelings sa 'Regal Studio Presents: Magkaibigan, Nagkaibigan'

GMA Logo Magkaibigan, Nagkaibigan

Photo Inside Page


Photos

Magkaibigan, Nagkaibigan



Isang cute na youth romantic comedy ang matutunghayan sa bagong special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents!

Tampok sa episode na pinamagatang "Magkaibigan, Nagkaibigan" ang kuwento ng childhood best friends na nagtaguan ng feelings.

Gaganap si Kim de Leon bilang Jared, isang binatang may hidden feelings para sa kanyang best friend. Hindi niya maamin ang kanyang nararamdaman sa takot na masira ang kanilang friendship.

Si Lexi Gonzales naman ay si Lanelle, isang fan girl at best friend ni Jared. Gusto sana niyang maging more than friends sila ni Jared pero takot din siyang masira ang kanilang pagkakabigan.

Si Anjay Anson naman ay si Arjun, ang paboritong artista ni Lanelle at pinsan ni Jared. Pansamantala siyang titira sa bahay nina Jared kaya naman excited si Lanelle na maging close sa kanyang idol.

Magiging susi ba si Arjun sa pag-aaminan nina Jared at Lanelle o siya ba ang mamamagitan sa dalawa?

Abangan ang youth romantic comedy na "Magkaibigan, Nagkaibigan" sa Regal Studio Presents, November 14, 4:35 p.m. sa GMA.


Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Kim de Leon
Lexi Gonzales
Anjay Anson
Childhood friends
Idol
Triangle
Magkaibigan, Nagkaibigan

Around GMA

Around GMA

NBA: Pascal Siakam's 36-10 double-double powers Pacers past Bulls
Lea Salonga, Rachelle Ann Go part of 'Les Misérables' in Manila
#WilmaPH remains almost stationary over waters of E. Samar