SNEAK PEEK: May love triangle sa boarding house sa 'Regal Studio Presents: Bros B4 Rose'

Masusubukan ang bro code ng mag-pinsan sa "Bros B4 Rose," ang bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents!
Tampok dito si Jeric Gonzales bilang Vincent, isang engineering student na naghahanap ng pag-ibig gamit ang isang dating app.
Pinsan naman niya si Lester, role ni Rob Gomez, isang playboy gym instructor. Nakatira sila pareho sa isang boarding house.
Magma-match si Vincent kay Rose, na gagampanan ni Kim Domingo. Sakto namang pamangkin pala ng landlord nina Vincent at Lester si Rose at pansamantalang tutuloy sa kanilang boarding house habang inaasikaso ang mga papeles niya para makapagtrabaho sa ibang bansa.
Ito na sana ang pagkakataon ni Vincent na mas lalo pang makilala si Rose, pero picture ni Lester ang ginamit niya sa kanyang dating app profile.
Makikiusap si Vincent kay Lester na magkunwari bilang siya hanggang makahanap siya ng paraan para umamin kay Rose. Kaya lang, tila magugustuhan na rin ni Lester si Rose.
Paano na ang tinaguriang bro code at pagkakaibigan ng dalawang binata?
Alamin 'yan sa "Bros B4 Rose" sa Regal Studio Presents, November 28, 4:35 pm sa GMA.
Please link plug once available
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






