SNEAK PEEK: First love, muling mabubuhay sa 'Regal Studio Presents: Ethan's Return'

GMA Logo Ethan's Return

Photo Inside Page


Photos

Ethan's Return



Literal na muling mabubuhay ang first love sa "Ethan's Return," ang second Christmas special ng weekend anthology series na Regal Studio Presents!

Noong 2011, ready na ang 17-year-old sweethearts na sina Ethan at Grace na mas makilala pa ang isa't isa. Plano sana nila mag-celebrate ng Pasko sa bahay ni Grace kasama ang pamilya nito.

Kaya lang, maaksidente at mamamatay si Ethan habang patungo sa bahay nina Grace!

Dahil dito, naging bitter na si Grace tuwing Pasko. Buti na lang, nariyan ang best friend ni Ethan na si Clark para damayan siya.

Magiging close sina Grace at Clark at matapos ang maraming taon, magiging engaged ang dalawa. Bibisita sina Grace at Clark sa puntod ni Ethan para magbigay-pugay sa kaibigan habang pina-plano nila ang kanilang kasal.

Pero sa isang 'di maipaliwanag na pangyayari, muling mabubuhay si Ethan. Sa kanyang pagbabalik, nanantiling 17 years old si Ethan at iniisip niyang magkasintahan pa rin sila ni Grace.

Si Thea Tolentino ang gaganap bilang Grace, habang si Joaquin Domagoso naman si Ethan. Makakasama nila sa episode si Jolo Estrada na gaganap naman bilang Clark.

Abangan ang second Christmas special ng Regal Studio Presents na "Ethan's Return" sa December 12, 4:35 p.m. sa GMA.

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Thea Tolentino
Joaquin Domagoso
Jolo Estrada
Mourn
Magbabalik
Engaged
Ethan's Return

Around GMA

Around GMA

Wage hike OK'd for Northern Mindanao minimum wage earners, kasambahays
Woman run over by bus in Davao City; dies
Marian Rivera welcomes the new year in luxurious designer jewelry