SNEAK PEEK: Pokwang, mahigpit na yaya sa 'Regal Studio Presents: Yaya Terror'

GMA Logo Pokwang on Regal Studio Presents

Photo Inside Page


Photos

Pokwang on Regal Studio Presents



Katatawanan na may kurot sa puso ang dala ni actress and comedienne Pokwang sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents' na pinamagatang "Yaya Terror."

Gaganap siya rito bilang Mila, ang striktong yaya ng binatilyong si Jerome, role naman ni Miggs Cuaderno.

Very close si Yaya Mila sa alagang si Jerome dahil siya na halos ang nagpalaki rito habang nagtatrabaho sa Australia ang nanay nito.

Pero dahil nagbibinata na, gusto ng kaunting kalayaan ni Jerome mula sa striktong pagmamatyag ni Yaya Mila.

Makakadagdag pa sa kanilang tampuhan si Angel, karakter ni Kyle Ocampo, ang bagong kaibigan ni Jerome. Hindi pabor si Yaya Mila kay Angel dahil sa tingin niya, bad influence ito sa binata.

Magkasundo pa kaya sina Yaya Mila at Jerome?

Abangan 'yan sa "Yaya Terror," February 20, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Pokwang
Miggs Cuaderno
Close
Binata
Strikto
Behind the scenes
Yaya Terror

Around GMA

Around GMA

Mag-inang nasabugan ng LPG tank, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation sa pagpapagamot | 24 Oras
Giant kalamay na hanggang 4,000 tao ang puwedeng pumapak, ibinida sa Candon, Ilocos Sur festival
1 Patay 1 Angol sa usa ka Road Accident sa Minglanilla | Balitang Bisdak