SNEAK PEEK: Messy guy meets neat freak girl sa 'Regal Studio Presents: Messy Thing Called Love'

Opposites attract sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents' na "Messy Thing Called Love."
Reunited sa episode ang 'A Girl and a Guy' co-stars na sina Alexa Miro at Rob Gomez.
Si Alexa ay si Lorraine, isang heartbroken na Davaoeña. Para panandaliang makalayo mula sa kanyang hometown, aalukin siya ng kaibigang si Lorraine na pansamantalang tumira sa kanyang condo unit sa Maynila.
Si Rob naman ay si Jadson, ang kapatid ni Lorraine na biglang uuwi mula sa Amerika. Kailangan kasi niyang matapos ang isinusulat niyang libro dahil malapit na ang dealine nito.
Nang 'di inaasahang magkita sina Lorraine at Jadson sa condo, hindi sila agad magkakasundo. Sadyang magkaiba kasi sila ng mga ugali. Kung neat freak si Lorraine, may pagka messy naman si Jadson.
Matutunan kaya nilang mamuhay kasama ang isa't isa?
Abangan 'yan sa episode na "Messy Thing Called Love," February 27, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Silipin ang ilang eksena mula sa upcoming episode sa gallery na ito:






