SNEAK PEEK: Magkakaibigan, na-ghost ng iisang babae sa 'Regal Studio Presents: Isn't She Lovely?'

GMA Logo Isnt She Lovely

Photo Inside Page


Photos

Isnt She Lovely



Tatlong magkakaibigan, na-ghost ng iisang babae?

'Yan ang dapat abangan sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents' na "Isn't She Lovely?"
Magkakasosyo sa isang resort sina Stephen, Winston at Andrew. Bukod sa pagiging magkakaibigan, na-ghost silang tatlo dati ng isang babaeng nagngangalang Lovely, na isa na pala ngayong rising recording artist.

Sakto namang mababalitaan nila na ma-i-interview ng kapatid ni Winston na si Matt si Lovely para sa isang magazine feature.

Gagamitin ng tatlo ang opportunity na ito para muling makita si Lovely at komprontahin siya tungkol sa pang-go-ghost sa kanila.

Ano ang mangyayari sa muling pakikipagkita nila ni Lovely?

Ang "Isn't She Lovely?" ang reunion project nina David Licauco, Nikki Co, Rob Gomez, at Dustin Yu na gumanap bilang magkakapatid sa 'Mano Po Legacy: The Family Fortune.'

Makakasama rin nila sa episode si vlogger and actress Jelai Andres.

Abangan ang episode na "Isn't She Lovely?," March 12, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Friends
Lovely
Interview
Ghoster
Prayer
Reunion
Isn't She Lovely?

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.