SNEAK PEEK: Isang couple lang ang dapat matira sa 'Regal Studio Presents: Stop in the Name of Love'

Isang exciting na kuwento na naman ang hatid ng bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Pinamagatang "Stop in the Name of Love," kuwento ito ng high school sweethearts na gagawin ang lahat, huwag lang magkatuluyan ang kanilang mga magulang.
Magiging official na sana ang relationship status nina Ryan (Saviour Ramos) at Mica (Lala Vinzon) pero mauudlot ito nang malaman nilang magkasintahan din ang kanilang mga single parents.
Magne-next level na rin ang relasyon ng tatay ni Ryan na si Jojo (Leandro Baldemor) at nanay ni Mica na si Susan (Almira Muhlach) dahil napagdesisyunan nilang magsama na iisang bahay.
Kailangan tuloy itago nina Ryan at Mica ang kanilang relasyon mula sa kanilang lovebird parents. Bukod dito, gagawin nila ang lahat para masabotahe ang happy ending nina Jojo at Susan para magbigay-daan sa sarili nilang love story.
Sino ang mananaig sa dalawang couples na ito?
Abangan 'yan sa "Stop in the Name of Love," March 20, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






