SNEAK PEEK: Babaeng stressed, bibisitahin ng genie sa 'Regal Studio Presents: My Third Wish'

Para sa iyo ang bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Sa "My Third Wish," mabibigyan ng isang pambihirang pagkakataon para mabago ang kanyang buhay ang stressed call center agent na si Tina.
Para makapag-relax, bibili si Tina ng isang mood lamp humidifier. Laking gulat niya nang may lumabas na genie dito!
Magpapakilala ang genie bilang si Jin at mangangakong bibigyan niya si Tina ng three wishes.
Makakatulong ba si Jin sa stressful job ni Tina? Magagamit rin ba ni Tina ang wishes para umamin ng feelings sa kanyang secret crush na si Jason?
Abangan 'yan sa "My Third Wish," April 24, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






