SNEAK PEEK: Tribute sa mga nanay, abangan sa 'Regal Studio Presents: SuperMOM'

Bilang tribute sa mga ina ngayong May, may Mother's Day special na handog ang weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Kuwento ng isang single mother ang matutunghayan sa "SuperMom," starring Lotlot de Leon at Kim de Leon.
Gaganap si Lotlot dito bilang Nadia, isang single mother sa unico hijo niyang si Iñigo, role naman ni Kim.
Dahil mag-isa lang niyang itinataguyod ang anak, naging busy sa kanyang career si Nadia. Lumaki naman si Iñigo sa tulong ng kanyang yaya.
Magkakaroon ng kaunting libreng oras si Nadia sa kanyang trabaho kaya naman gagamitin niya ito para makasama si Iñigo.
Pero tila lahat ng inihanda niyang activities ay kabaligtaran ng mga gustong gawin ng Iñigo. Paano kaya siya babawi sa anak?
Abangan 'yan sa "SuperMom," May 1, 4:35 p.m. sa Regal Studio Presents.
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






