SNEAK PEEK: Guwapong scammer, babawi sa babaeng nabiktima sa 'Regal Studio Presents: Open-Minded'

Isang college student ang mabibiktima ng isang guwapong scammer sa bagong episode ng 'Regal Studio Presents.'
Ang episode na "Open-Minded" ang magbubukas ng fourth season ng weekly anthology series.
Makukumbinsi ni Gino si Mona na mag-invest sa isang marketing company na nagbebenta ng health and wellness products.
Kahit nagdadalawang-isip, papayag na rin si Mona dahil gusto niyang mapalago ang pera niya.
Kaya naman nang pumutok ang balita na scam ang kumpanya at tuluyan nang nagsara, hahanapin ni Mona si Gino para panagutin ito.
Nangako naman si Gino na tutulungan si Mona bawiin ang kanyang investment. Mapapagkatiwalaan ba talaga si Gino?
Huwag palampasin ang Season 4 opener na "Open-Minded," June 12, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Samantala, narito ang isang exclusive behind-the-scenes look sa episode:






