SNEAK PEEK: 'Most Valuable Daddy,' Father's Day special ng 'Regal Studio Presents'

Isang special Father's Day presentation ang hatid ng bagong episode ng 'Regal Studio Presents' ngayong parating na Linggo.
Pinamagatang "Most Valuable Daddy," kuwento ito ng isang overseas Filipino worker o OFW na sabik na sabik makasama ang nag-iisang anak matapos ang maraming taon.
Sa pag-uwi ni Emerson sa Pilipinas matapos ang isang dekada ng pagtatrabaho abroad, hindi niya inaasahang magiging malamig ang pakikitungo sa kaniya ng anak na si Sonny.
Kung dating iniidolo ni Sonny si Emerson, napalayo na ang loob niya sa ama dahil sa tagal nilang hindi nagkita.
Magiging close pa kaya muli ang dalawa?
Huwag palampasin ang Father's Day special na "Most Valuable Daddy," June 19, 3:45 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






