SNEAK PEEK: Dating mag-jowa, reunited sa isang home rental sa 'Regal Studio Presents: Martha's Place'

GMA Logo Martha's Place

Photo Inside Page


Photos

Martha's Place



Kuwento ng isang unexpected reunion ang dapat tunghayan sa weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Sa episode na pinamagatang "Martha's Place," muling magkikita ang ex-lovers sa isang home rental.

Five years nang magkasintahan sina Jared at Martha. Naghiwalay sila nang sumama si Jared sa kanyang pamilya na nag-migrate sa Amerika.

Para makapag-move on, pinili ni Martha na i-convert ang bahay nila ni Jared para maging isang vacation house na maaaring rentahan ng mga bakasyunista.

Pero paano kung maging guest si Jared sa vacation house ni Martha? At kasama pa nito ang kanyang bago at high-maintenance girlfriend na si Lexy?

Huwag palampasin ang "Martha's Place," July 3, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Arra San Agustin
Yasser Marta
Sarah Edwards
Home rental
Different
Past
Martha's Place

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 16, 2026
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!