SNEAK PEEK: Pag-ibig, uusbong sa paluging laundry shop sa 'Regal Studio Presents: Wash, Dry, Fold'

GMA Logo Wash Dry Fold

Photo Inside Page


Photos

Wash Dry Fold



Isang unexpected love story ang matutunghayan sa "Wash, Dry, Fold," ang bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Magkakakilala sina Alex at Ariane sa isang paluging laundry shop.

Si Alex ang masipag na empleyadong gagawin ang lahat para hindi tuluyang malugi ang Be My Laba Laundry Shop.

Si Ariane naman ang anak ng may-ari na gustong ipasara ang shop para parentahan ang puwesto nito.

Makikipag-deal si Alex kay Ariane--bibigyan muna nila ng one last trial run ang laundry shop.

Kung kikita ito sa sa loob ng dalawang linggo, hind muna ito ipapasara ni Ariane.

Magtutulungan sina Alex at Ariane sa pagpapatakbo ng shop at unti-unting magiging close.

Pagkatapos ng dalawang linggo, pipiliin ba ni Ariane ang puso o ang negosyo?

Huwag palampasin ang "Wash, Dry, Fold," July 10, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Rob Gomez
Klea Pineda
Laundry shop
Close
Deal
Decision
Wash, Dry, Fold

Around GMA

Around GMA

Lalaking nag-trespassing umano, patay matapos suntukin ng dating katrabaho
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers