SNEAK PEEK: Sikat na vlogger at social media manager niya, may past sa 'Regal Studio Presents: Love, Share, Subscribe'

Kilig for the digital age ang hatid ng bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Magpapakilig ang real life sweethearts na sina Paul Salas at Mikee Quintos sa episode ng pinamagatang "Love, Share, Subscribe."
Gaganap dito si Paul bilang Gab, isang sikat na vlogger. May nakaraan sila ng social media manager niyang si Sunny, played by Mikee.
Nanligaw kasi si Gab noon kay Sunny pero basted siya. Ngayong nagtatrabaho na si Sunny para sa kanya, ito na ba ang chance ni Gab na rumesbak?
Alamin lahat ng 'yan kasama sina Paul at Mikee sa "Love, Share, Subscribe," September 4, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






