Scammer, makaka-jackpot sa lalaking heartbroken sa 'Regal Studio Presents: Budol Queen'

Mag-ingat sa mga mambubudol sa episode ng Regal Studio Presents na "Budol Queen."
Kuwento ito ni Eliza, isang babaeng ginawa nang career ang pambubudol o panloloko. Favorite modus niya ang magkukunwari na mabubundol ng sasakyan para hingan ng pera ang driver nito.
Makaka-jackpot si Eliza kay James, isang mayamang businessman na makakasagasa sa kanya matapos niyang mag-snatch ng cellphone.
Kay James pa mismo manggagaling ang offer na manirahan muna si Eliza sa bahay niya para makapagpagaling.
Dahil heartbroken si James matapos iwan ng kanyang fiancee, magiging close sila kaagad ni Eliza.
Pero ang tunay na pakay ni Eliza ay limasin ang mga mamahaling gamit ni James, lalo na ang engagement ring na pinagipunan nito para sa fiancee.
Magtatagumpay ba si Eliza sa budol niya kay James?
Abangan ang kuwentong 'yan "Budol Queen," October 29, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






