SNEAK PEEK: Spoiled college graduate vs masipag na working student sa 'Regal Studio Presents: Stay Inn Love'

GMA Logo Stay Inn Love

Photo Inside Page


Photos

Stay Inn Love



Muling maghahatid ng kilig sina Kapuso stars Shayne Sava at Abdul Raman sa Regal Studio Presents.


Sa pangalawang tambalan nila sa weekend anthology series, bibida sila sa episode na pinamagatang "Stay Inn Love."

Si Shayne ay si Princess, isang working student na nagtatrabaho part time sa isang resort. Si Abdul naman ay si Alex, anak ng may-ari ng resort.

Recent college graduate si Alex at gusto niyang mag-travel abroad habang nagdedesiyon sa career na gusto niyang tahakin.

Pagbibigyan siya ng kanyang nanay pero sa kundisyong magtatrabaho siya sa resort para sa panggastos niya.

Si Princess naman ang maaatasang mag-train kay Alex sa mga gawain sa resort.

Ano ang matututunan ng isang spoiled na lalaking walang alam sa pagtatrabaho mula sa isang masipag na working student na mag-isang nagsisikap para makatapos ng pag-aaral?

Abangan 'yan sa "Stay Inn Love," November 13, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'


Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Shayne Sava
Abdul Raman
Resort
Training
Lessons
Second time
Stay Inn Love

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones