SNEAK PEEK: Mag-ama, pinaghiwalay ng musika sa 'Regal Studio Presents: My Father's Song'

Kuwento ng mag-ama at ang pagmamahal nila sa musika ang matutunghayan sa isang episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Mahilig sa music si Michelle at mukhang namana niya ito sa kanyang musician daddy na si Jay.
Pero estranged ang mag-ama dahil mas pinahalagahan ni Jay ang career niya at iniwan niya ang kanyang pamilya.
Matapos ang ilang taon, muli niyang makakasama ang anak na si Michelle.
Nakatakda na kasing lumipad patungong Canada si Michelle para doon na manirahan kasama ang kanyang nanay.
Maayos ba ni Jay ang relasyon nila ng anak bago ito tuluyang umalis ng bansa?
Kung music ang naging dahilan ng pagkakawalay nila, ito rin ba ang muling maglalapit sa kanila?
Abangan 'yan sa "My Father's Song," July 30, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






