SNEAK PEEK: Anak-mayaman, magtatrabaho bilang delivery rider sa 'Regal Studio Presents: Poor Rich Girl'

GMA Logo Poor Rich Girl

Photo Inside Page


Photos

Poor Rich Girl



Siguradong makaka-relate ang mga mahilig sa online deliveries sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.


Isang delivery rider si Ibyong na madalas maghatid ng mga in-order na goods ng anak-mayaman na si Anais.

Nag-iipon si Ibyong para makabalik na sa probinsiya pero hindi matuloy ang kanyang pag-uwi dahil mas madalas niyang piliin na tumulong sa mga katrabaho niyang nangangailangan.

Magkakaroon naman ng financial problem ang pamilya ni Anais kaya hindi niya mababayaran ang isang mamahaling delivery ni Ibyong.

Para mabayaran ito, hihikayatin ni Ibyong na magtrabaho si Anais bilang isang delivery rider.

Tutulungan ni Ibyong si Anais sa bago niyang trabaho pero ma-survive kaya ng anak-mayaman ang biglaang pagpasok niya sa work force?

Abangan 'yan sa "Poor Rich Girl," February 5, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'


Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.


Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Kimson Tan
Mika Reins
Saving
Problems
Work
Partners
Poor Rich Girl

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025