SNEAK PEEK: Newlyweds, magiging nightmare ang honeymoon sa 'Regal Studio Presents: Honeymoon for Three'

GMA Logo Honeymoon for Three

Photo Inside Page


Photos

Honeymoon for Three



Magiging bangungot ang dream honeymoon ng mga bagong kasal sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.

Sa simula pa lang, may aberya na kaagad ang honeymoon ng newlyweds na sina Nicolas at Margo.

Nagkamali kasi ni Nicolas sa pabu-book ng hotel para sa kanila ni Margo. Buti na lang, nariyan ang kaibigan niyang si Billie na may ari ng isang resort.

Kahit short notice, ihahanda ni Billie ang kanyang resort para sa mag-asawa. Pero mukhang nasobrahan ang enthusiasm niya dahil tila wala ng private time sina Nicolas at Margo sa laging pagsulpot ni Billie.

Pakiramdam tuloy ni Margo, sinasabotahe ni Billie ang honeymoon nila ni Nicolas. Bukod dito, batid niyang masaydong clingy si Billie kay Nicolas.

Bakit nga ba ganoon na lang ang closeness nina Nicolas at Billie? Tuluyan na bang masisira ang honeymoon nina Nicolas at Margo?

Abangan ang kuwentong 'yan sa "Honeymoon for Three," February 12, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Paul Salas and Mikee Quintos
Nicolas
Margo
Billie
Sabotage
Friend
Honeymoon for Three

Around GMA

Around GMA

HPG officer relieved after mauling patrolman
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories