Cosplayer, mamamagitan sa mag-ama sa 'Regal Studio Presents: My Fairy Lady'

Isang cosplayer ang unexpected addition sa buhay ng mag-ama sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Obsessed si Renz sa online influencer na si Hannah na sumikat sa pagko-cosplay bilang isang diwata.
Ikalulungkot ni Renz nang i-announce ni Hannah sa magbe-break muna siya sa social media.
Magbubukas kasi si Hannah ng cafe at bakery at gusto niyang mag-concentrate dito.
Magiging regular sa bakery ni Hannah ang tatay ni Renz na si Harris na matagal nang solo parent. Dito rin magsisimula ang romantic relationship sa pagitan nina Hannah at Harris.
Matatanggap ba ni Renz na girlfriend na ng tatay niya ang crush niyang cosplayer? Magiging strain ba sa father-son relationship nina Harris at Renz si Hannah?
Abangan ang kuwentong 'yan sa "My Fairy Lady," February 26, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






