SNEAK PEEK: Ganda ng isang babae, magliligtas sa kanya sa holdap sa 'Regal Studio Presents: Holdap 'To, I Love You'

GMA Logo Holdap 'To, I Love You

Photo Inside Page


Photos

Holdap 'To, I Love You



Kagandahan ng isang pasahero, magiging sanhi ng pagkaudlot ng isang holdap sa jeep?

'Yan ang kuwentong dapat abangan sa "Holdap 'To, I Love You," ang bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'


Biglang mangangailangan ng malaking halaga ni Lorenz para sa pagpapagamot ng kanyang ina pero nakatakda pa lang siyang maging seaman kaya gipit pa siya sa pera.

Sa suggestion ng kanyang roommate, magkasama silang mangho-holdap ng jeep para mabilis na makakuha ng pera.

Nag-deklara na sila ng holdap sa jeep nang masilayan ni Lorenz ang pasaherong si Marian. Agad siyang mahuhumaling sa ganda nito kaya papalpak ang tangka nilang holdap.

Susubukan ni Lorenz na kalimutan si Marian pati na ang guilt niya sa tangkang pangho-holdap. Paano kaya kung si Marian pala ang bagong boarder sa inuupahan nilang bahay?

Abangan ang kuwentong 'yan sa "Holdap 'To, I Love You," March 12, 4:35 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Kate Valdez
Yasser Marta
Holdap
Love at first sight
Housemate
Truth
Holdap 'To, I Love You

Around GMA

Around GMA

LIVE - Kilusang Bayan Kontra Kurakot press conference (Jan. 19, 2026) | GMA Integrated News
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE