Playboy mula 1926, ipapadala sa 2023 sa 'Regal Studio Presents: Love Me in 7 Days'

GMA Logo Love Me in 7 Days

Photo Inside Page


Photos

Love Me in 7 Days



Isang time-travel love story ang mapapanood sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Isusumpa at mapapadpad sa taong 2023 ang isang playboy mula sa taong 1926 sa episode na "Love Me in 7 Days."

Kahit engaged na si Roque, patuloy pa rin siya sa pakikipagkita sa iba't ibang babae. Kaya gamit ang isang sumpa, ipapadala siya ng kanyang fiancee sa taong 2023.

Para makabalik sa sarili niyang panahon, kailangan niyang makahanap ng "true love" sa loob ng pitong araw. Kung hindi, habangbuhay na siyang mananatili sa kasalukuyan.

Matutulungan kaya siya ng babaeng makikilala niya sa 2023 na si Kathy na heartbroken dahil sa panloloko ng isang lalaki?

Abangan ang kuwentong 'yan sa brand new episode na "Love Me in 7 Days," April 16, 4:40 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'


Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Rob Gomez
Elle Villanueva
Future
House
Love
Help
Love Me in 7 Days

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City