Babae, mumultuhin ang apo ng nang-ghost sa kanya sa 'Regal Studio Presents: The Ghosting'

Spooky but funny ang bagong episode na hatid ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents' ngayong Sunday.
Pinamagatang "The Ghosting," kuwento ito ng lalaking pasaway na makakakilala ng isang friendly ghost.
Ipapadala si Anton ng kanyang mga magulang sa ancestral house na pagmamay-ari ng kanyang lolo para matuto siya ng disiplina.
Wala nang nakatira sa bahay kaya kailangang matuto ni Anton na alagaan ang kanyang sarili. Pero agad na makakaramdan ng ibang presensiya si Anton sa bahay.
Namamalagi pa rin kasi dito ang espiritu ni Rose. Magagawa niyang makipag-communicate kay Anton sa pag-aakalang ito ang great love niyang si Antonio na lolo pala ng binata.
Ano ba ang unfinished business ni Rose at nananatili pa rin siya sa bahay?
Abangan ang kuwentong 'yan sa brand new episode na "The Ghosting," April 30, 4:40 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






