Heartbroken event organizer, sanhi ng palpak na proposal sa 'Regal Studio Presents: Bride to Be'

Isang mistake sa cake ang magdudulot ng kaguluhan sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Pinamagatang "Bride to Be," kuwento ito ng proposal gone wrong.
Isang event organizer si Ashley at patok sa kanyang mga kliyente ang mga engrandeng wedding proposals na inihahanda niya.
Isa sa mga bagong clients niya ay si Sam na humingi ng tulong na mag-propose sa kanyang girlfriend.
Hindi inaasahan ni Ashley na makikipag-break ang longtime boyfriend niya kaya habang distracted at heartbroken, maling pangalan ang mailalagay niya sa proposal cake ni Sam.
Siyempre, papalpak ang proposal ni Sam at makikipaghiwalay pa sa kanya ang girlfriend niya.
Paano babawi si Ashley kay Sam? Bakit parang sila pa yata ang mas nagkakalapit?
Abangan ang brand new episode na "Bride to Be," June 25, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






