Kambal tuko, gusto nang maghiwalay sa 'Regal Studio Presents: Mikey Mike'

GMA Logo Mikey Mike

Photo Inside Page


Photos

Mikey Mike



Special talaga ang bond sa pagitan ng kambal pero minsan mahirap magkaroon ng sariling identity na hiwalay sa taong literal na kadikit mo simula sa sinapupunan.

'Yan ang kuwentong dapat abangan sa "Mikey Mike," ang bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Conjoined twins sina Mikey at Mike. Mas nakatatanda si Mike at very protective ito kay Mikey lalo na sa mga nangungutya sa kanila dahil sa pagiging kambal tuko.

Pangarap ni Mikey na maging professional basketball player pero palagay niya, hindi niya makakamtam ito kung kadikit niya si Mike.

Paano tatanggapin ni Mike na gusto nang makipaghiwalay ni Mikey?

Abangan ang brand new episode na "Mikey Mike," August 20, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Matt Lozano
Elias Point
Protector
Dream
Separate
Twins
Mikey Mike

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve