Mag-lolo, magkakapalit ng katawan sa 'Regal Studio Presents: Lolo Ko, Ako?!'

GMA Logo Lolo Ko, Ako?!

Photo Inside Page


Photos

Lolo Ko, Ako?!



Paano ba magkakaintindihan at magkakasundo ang dalawang taong magkaiba ng henerasyon?

Abangan ang kuwento ng isang lolo at ng kanyang apo sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Bibisita si Harold (Abdul Raman) sa kanyang Lolo Erning (Francis Mata) sa probinsiya para kumbinsihin itong sumama sa kanya para manirahan sa Maynila.

Hihikayatin din niya ang lolo niya na ibenta na ang ancenstral home nila doon at pakawalan na ang maliit na lomihan na pinapatakbo nito.

Tatanggi si Lolo Erning sa alok ng apo dahil hindi niya basta maiiwan ang lugar na matagal na niyang tinuturing na tahanan.

Matapos ang pagtatalo, magigising na lang sina Lolo Erning at Harold na nagkapalit na sila ng katawan.

Ito na ba ang magiging daan para magkaintindihan ang dalawa? Paano makakabalik sina Lolo Erning at Harold sa sarili nilang mga katawan?

Abangan ang brand new episode na "Lolo Ko, Ako?!," August 27, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'


Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Abdul Raman
Francis Mata
Convince
Refuse
Switch
Understand
Lolo Ko, Ako?!

Around GMA

Around GMA

Filipinas escape Thailand, advance to SEA Games women’s football gold medal match
Iloilo Capitol workers to get at least P50,000 bonus
Marian Rivera brings Italian designer bag to Kiray Celis and Stephan Estopia's wedding