Aspiring musician, magkakaroon ng reality check sa 'Regal Studio Presents: The Dream Band'

GMA Logo The Dream Band

Photo Inside Page


Photos

The Dream Band



Musika ang puso ng bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Isang aspiring musician kasi ang magkakaroon ng malaking reality check sa episode na pinamagatang "The Dream Band."

Nasa isang banda si Je (Carlo San Juan) at girlfriend niyang si Ashley (Brianna Bunagan) kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

Umaasa silang makuha at pumirma ng isang record label para tuluyan nang maging professional musicians.

Pero habang tumatagal, hindi pa rin dumarating ang kanilang big break. Pipiliin ng ibang band members na magtrabaho muna at tumigil sa pagbabanda.

Maninindigan naman si Je at itutuloy ang paghahabol sa kanyang musical career. Sa biglang pagkakasakit ng tatay ni Je na si Mon (John Feir), mapapaisip siya tungkol sa kanyang priorities.

Isusuko na ba ni Je ang pangarap niyang maging musikero?

Abangan ang brand new episode na "The Dream Band," October 1, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Carlo San Juan
Brianna Bunagan
John Feir
Band
Sick
Dreams
The Dream Band

Around GMA

Around GMA

NBA: Stephen Curry propels Warriors over Nets
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025