Nostalgic murder mystery, hatid ng 'Regal Studio Presents: The Poster Boy'

Nostalgic at '90s inspired ang episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "The Poster Boy," isa itong light murder mystery na may halong fantasy.
Sa pag-aayos ni Janey (Althea Ablan) ng '90s memorabilia sa childhood room ng kanyang nanay, makikita niya ang higanteng poster ng dancer na si Alvin (Will Ashley).
Malalaman ni Janey na si Alvin ang celebrity crush ng nanay niya noong ito ay nabubuhay pa. Bahagi ng isang dance group noon si Alvin pero maaga itong mamamatay.
Matapos ang isang kakaibang gabi, biglang mabubuhay si Alvin mula sa poster.
Ilang man si Janey dahil sa old-fashioned ways nito, tutulungan pa rin niyang lutasin ang misteryo ng maagang pagkamatay nito.
Abangan ang "The Poster Boy", September 28, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






