Pagmamahalan ng anak at magulang, tampok sa 'Regal Studio Presents: Flowers Forever'

Heartwarming at nakakaaliw ang bagong episode ng 'Regal Studio Presents' na pinamagatang "Flowers Forever" na pagbibidahan nina Mikee Quintos at Bodjie Pascua.
Sa "Flowers Forever," gaganap si Mikee bilang Cathy, young owner ng flower shop na Flower Forever.
Makakatapat ni Cathy ang masungit at matandang customer niya na si Joel, na bibigyang-buhay ng batikang stage actor na si Bodjie Pascua.
Magkakamali ng ipapadalang order si Cathy kay Joel dahil imbis na birthday flower arrangement, bulaklak ng patay ang maibibigay niya rito na labis na ikagagalit ng matanda.
Ang masaklap pa, ipo-post ni Joel online ang kanyang bad experience sa Flowers Forever.
Hihingi naman ng sorry si Cathy kay Joel at pakikiusapang burahin ang post.
Kapalit nito, may simpleng hiling si Joel sa flower shop owner na aantig sa puso ng dalaga.
Mapagbigyan kaya ni Cathy ang matanda bago pa mahuli ang lahat?
Silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito.






