Hopia na BFF vs. reformed bully sa 'Regal Studio Presents: May the Best Man Win'

Isang late bloomer ang magkakaroon ng malaking glow up sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Nerdy girl si Andrea (Cheska Fausto) kaya lagi siyang nabu-bully ng kanyang crush na si Kyle (Larkin Castor).
Buti na lang, lagi siyang tinutulungan ng kanyang best friend na si Ethan (Vince Maristela).
May secret feelings si Ethan para kay Andrea pero hindi niya magawang umamin dito.
Matapos ang ilang taon, magiging isang maganda at eleganteng dalaga si Andrea.
Nang mabalitaan ito ni Kyle, iimbitahan niya sa isang date si Andrea.
Ito na ba ang magtutulak kay Ethan para magtapat sa kanyang best friend?
Abangan ang brand new episode na "May the Best Man Win," January 21, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






