Café para sa mga brokenhearted, nanganganib malugi sa 'Regal Studio Presents: The Heartbreak Shop'

Para sa mga brokenhearted ang bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "The Heartbreak Shop," kuwento ito ng isang kakaibang café na pinupuntahan ng mga sawi sa pag-ibig.
Puwede kasing maglabas ng sama ng loob sa café sa pamamagitan ng pagbabasag at paghagulgol kaya regular customer dito si Tintin (Kazel Kinouchi) na fresh from a breakup.
Makikilala niya dito ang café owner na si Epoy (Prince Clemente). Aaminin ni Epoy na palugi na ang café kaya balak niyang isara ito.
Susubukan naman ni Tintin na pigilan ang pagsasara ng coffee shop. Magtatagumpay kaya sila ni Epoy?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "The Heartbreak Shop," October 6, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






