Furry friend, magiging matchmaker sa 'Regal Studio Presents: Pawfect Match'

Must-see para sa mga animal lovers ang bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Pawfect Match," tungkol ito sa paghahanap ng furry companion ng isang dalagang galing sa heartbreak.
Pupunta si Mia (Althea Ablan) sa isang animal shelter para maghanap ng alagang aso na tutulong sa pagmu-move on niya.
Makikilala niya rito ang volunteer na si Alex (Will Ashley) na tutulong sa kanya na mapalapit sa asong si Radar.
Si Radar na nga ba ang dog of her dreams? Si Alex na rin kaya ang man of her dreams?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Pawfect Match," October 13, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






