PWD, inspirasyon ang cute delivery rider sa 'Regal Studio Presents: Dreamboy'

What if ang package mo, may kasama pang cute delivery rider?
'Yan ang kuwentong dapat abangan sa bagong episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Dreamboy," tungkol ito sa isang dalagang may kapansanan at ang delivery boy na lagi niyang natatanaw mula sa kanyang bintana.
Hindi nakakalakad si Sheyn (Roxie Smith) matapos ang isang aksidente.
Naging libangan na niya ang paghihintay sa cute delivery rider na si Remboy (Prince Carlos) tuwing magdadala ito ng packages sa mga kapitbahay niya.
Magugulat na lang si Sheyn nang mag-deliver si Remboy ng mga bulaklak at tsokolate para sa kanya.
Oras na ba para i-unbox ni Sheyn ang puso niya para kay Remboy?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Dreamboy," October 20, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






